Hidalgo

6 biktima ng prostitusyon nailigtas

August 29, 2023 Bernard Galang 276 views

CAMP Olivas, City of San Fernando, Pampanga — Nasagip noong Lunes ng mga pulis ang anim na pinaniniwalaang biktima ng prostitusyon sa Pampanga.

Ayon kay PRO 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., nagsanib-puwersa ang mga tauhan ng Regional Anti-Trafficking in Persons Task Group 3, WCPD, San Fernando police at RRPTP personnel mula sa DSWD FO3 para sa isang operasyon sa harap ng Golden Haven, Bgy. Calulut, San Fernando, Pampanga.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng isang 22-anyos na umano’y bugaw na kinilalang si alyas Kang at pag-rescue sa anim na tao na umano’y inaalok para sa mga serbisyong sekswal.

Kakasuhan ang suspek ng mga paglabag sa RA 9208, na inamyenda ng RA 10364, at RA 7610.

AUTHOR PROFILE