PRC

555 examinees pasado sa Librarian board exam

September 15, 2023 People's Tonight 389 views

CapturePRCPRC1PRC2PRC3PRC4PRC5PRC6PRC7PRC8PRC9PRC10IPINAHAYAG ng Professional Regulation Commission (PRC) na 555 sa 886 examinees ang pumasa sa Librarians Licensure Examination.

Isinagawa ang naturang board exam sa Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga noong Setyembre 2023.

Sina Yolanda Granda, chairman; at Lourdes David, miyembro ang mga miyembro ng Board for Librarians na nagsagawa ng pagsusulit.

Inilabas ang mga resulta tatlong araw lamang matapos ang huling araw ng pagsusulit.

Nakamit ni Zamylle Ross Celso, mula sa University of the East-Manila, ang pinakamataas na ratings na 88.85 percent.

Samatala, pumaibabaw ang University of the Philippines-Diliman sa mga pinakamataas na rating sa mga pumasa sa exam. Pasado lahat ng 21 examinees mula sa UP-Diliman.

Maaring ma-access ang listahan ng mga pumasa sa pamamagitan ng link na ito: https://drive.google.com/file/d/1Qd-H8zuzUUIDgAPE_fo0S10U3VAXNiLj/view

AUTHOR PROFILE