Default Thumbnail

5 Chinese sa POGO raid kinasuhan

July 2, 2023 People's Tonight 232 views

SINAMPAHAN na ng demanda ng Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice ang 5 Chinese kaugnay ng isinagawang raid sa pitong Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Las Piñas City noong nakaraang linggo.

Ayon kay PNP-Public Information Office (PIO) chief Brig. Gen. Redrico Maranan, sinampahan ng kasong human trafficking at paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2021 sina Li Jiacheng, Xiao Liu, Yan Joyayong, Duan Haozhuan at LP Hongkun.

Iginiit ni Maranan na lehitimo ang operasyon na isinagawa ng PNP at ginawa ito sa bisa ng isang court order dahil umano sa paglabag sa karapatang pantao ng Xinchuang Network Technologies.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakasagip ng 2,700 umano’y POGO workers. Labing-lima sa mga nasagip ang Pinoy at mula naman sa iba’t-ibang bansa sa Southeast Asia ay Middle East ang karamihan.

“The judge issued the warrants after she had personally examined the complainants and witnesses through a personal searching inquiry. She was convinced by the applicant and the pieces of evidence presented before her.

Based on existing laws, no search warrant shall be issued except when there is a probable cause,” pahayag ni Maranan.

Karagdagang 299 agents mula sa Anti-Cybercrime Group at National Capital Region Police Office ang itinalaga sa patuloy na pagpapatupad ng search warrants laban sa Xinchuang.

Pinauwi na sa kani-kanilang pamilya ang lahat ng Pilipinong nasagip habang nasa kustodiya pa ng PNP ang 1,284 nasagip para sa kaukulang proseso at profiling.

Tiniyak din ni Maranan na walang nalabag sa karapatang pantao ng mga nasagip na foreign workers.

AUTHOR PROFILE