Shabu

3 suspek na tulak huli sa Rizal

January 29, 2024 Jojo C. Magsombol 134 views

KAMPO MAJOR/HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Tatlong hinihinalang tulak ng droga na may baril ang naaresto kamakailan ng mga otoridad sa Brgy. San Juan, Cainta, Rizal.

Ayon sa report ni Rizal police director P/Col. Col/ Felipe B. Maraggun kay Police Regional Office (PRO) Calabarzon Director P/Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas, nakilala ang mga suspek na sina alyas Edward, alyas Renante at alyas Analie.

Bandang alas-3:35 ng umaga nang matimbog ang tatlo ng grupo ng Municipal Drug Enforcement Team (MDET) ng Cainta Municipal Police Station.

Nakumpiska mula sa kanila ang tatlong gramo ng shabu at tinatayang may halagang P20,4002, coin purse, baril, apat na bala, isang P5,000 note at cash na hinihinalang drug money.

AUTHOR PROFILE