Shabu

3 kelot timbog sa shabu, baril sa Rizal

October 10, 2023 Gil Aman 193 views

CAMP VICENTE Lim, Canlubang, Laguna–Tatlong lalaki ang inaresto dahil sa pag-iingat ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P.5 milyon, baril at mga bala sa Sitio Balso Bgy. Calahan, Cardona Rizal noong Lunes.

Ayon kay PMaj. Roberto Papa, hepe ng Cardona Municipal Police Station, naaresto ang mga suspek dahil sa buy bust ng Municipal Drug Enforcement Team (MDET) dakong 6:35 ng umaga.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas Bon, 33, ng Bgy. Patunhay, Cardona Rizal; alyas Richard, 51, ng Bgy. Bombongan, Morong, Rizal; at alyas Roderick, 39, ng Bgy. Milagrosa, Carmona, Cavite.

Nakumpiska sa mga suspek ang 12 pakete ng hinihinalang may lamang shabu na may timbang na 82.3 gramo at nagkakahalaga ng P559,640, isang kalibre .45 na baril, magazine, mga bala, tatlong cellphone, wallet, coin purse, sling bag at P,1000 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Cardona Custodial Facility at nahaharap sa paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at R.A 10591 (Firearms and Ammunitions Law) in relation to Omnibus Election Code.

“Resulta ng mas pinaigting na kampanya ng Rizal PNP ang pagkakahuli sa mga suspek para matuldukan ang problema sa iligal na droga na nagbubunga ng samu’t-saring krimen,” sabi ni PCol. Rainero De Chavez, Officer-In-Charge ng Rizal Provincial Police Office.

AUTHOR PROFILE