Default Thumbnail

3 kelot nalambat sa Manila City Hall dahil sa ‘rape’

July 8, 2022 Jonjon Reyes 290 views

BITBIT ang arrest warrant mula sa isa sa mga tauhan ng Special Mayor Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District (MPD), tatlong magkakasabwat na nasa loob mismo ng Manila City Hall ang naaresto nitong Huwebes ng umaga sa Antonio Villegas St., Ermita, Lungsod ng Maynila.

Kinilala sa mga pangalang “Edwin”, “King”, at “Joey”, ang mga suspek na pawang residente ng Tondo, Maynila.

Ayon kay P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., hepe ng MPD-SMaRT, bandang 10:30 ng umaga nang malambat ang tatlo sa ikatlong palapag ng gusali ng Manila City Hall.

Pinangunahan ni P/Lt. Edgar Julian ang pag-aresto sa tatlong suspek na sangkot sa kasong panggagahasa.

Hindi naman umano nagawang makapalag ang mga suspek nang ipakita ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Jose Lorenzo Dela Rosa ng Regional Trial Court Branch 4 ng Maynila na may petsang Oktubre 20, 2021 sa kasong “rape”.

AUTHOR PROFILE