Default Thumbnail

2 vintage bomb natagpuan ng magsasaka sa NE

July 27, 2023 Steve A. Gosuico 242 views

SAN LEONARDO, Nueva Ecija–Dalawang vintage na bomba ang natagpuan ng isang magsasaka na sakay ng traktora habang nag-aararo noong Miyerkules sa bayang ito.

Sinabi ni Major Romualdo S. Lopez, hepe ng pulisya, na minamaneho ni Jonathan Vinigay, ng Bgy. San Anton, ang kanyang Farmall tractor nang huminto siya nang mapansin ang isang bag sa gitna ng kanyangbukirin dakong alas-3 ng hapon.

Nang buksan ang bag, laking gulat niya nang makita na dalawang vintage bomb ang laman nito.

Sinabi ni Lopez na agad na inalerto ni Vinigay ang punong barangay tanod na si Melendrez Lascanos na tumawag naman sa istasyon ng pulisya para humingi ng tulong.

Dumating sa lugar ang mga miyembro ng Provincial Police Canine and Explosives Unit para kunin at itapon ang mga pampasabog.

AUTHOR PROFILE