
Wanted sa rape nalambat sa Laguna
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Tiklo sa mga otoridad ng Batangas ang isang wanted na lalake dahil sa statutory rape at iba pang kaso sa Bgy. Longos, Paete, Laguna Lunes ng hapon.
Ayon sa report ni Batangas Police Provincial Director Col. Samson Belgica Belmonte kay Police Regional Office Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) Director Police Brigadier General Carlito M. Gaces, nakilala ang suspek na 67 anyos, walang trabaho, ng Bgy, Longos, Paete, Laguna.
Nahuli ang suspek nang magsagawa ng police operation bandang ala-1:40 ng tanghali noong Hulyo 24 laban sa suspek dahil sa mga kasong statutory rape, sexual assault, at acts of lasciviousness.
Naaresto ang suspek sa bisa ng arret warrant na inisyu ni Presiding Judge Noel M. Lindog ng Branch 2 ng Family Court sa Lipa City, Batangas.
Sinabi ni Belmonte na nahuli ang 67 anyos ng pinagsanib na tauhan ng Lipa City Police Station kasama ang Paete Municipal Police Station (MPS), 403rd at 402nd Maneuver Company Regional Mobile Force Branch (RMFB) 4A at Batangas Marpsta, Special Operations Unit (SOU) 3 Maritime Group.