Suspek WALANG PERSONALAN–Swak sa selda ang mag utol na suspek sa frustrated murder matapos na maaresto sa follow-up operation sa Malate, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

2 trike driver laglag sa frustrated murder, sumpak

March 18, 2024 Jonjon Reyes 408 views

LAGLAG sa kamay ng batas dahil sa frustrated murder at pagmamay-ari ng sumpak ang dalawang trike driver na natyempuhan sa panulukan ng San Andres at Singalong Sts. Malate, Maynila noong Linggo.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, commander ng Malate Police Station, ang mga suspek na si alyas Melvin, 25, at Mark, 31, na kapwa residente ng San Andres St., Malate.

Batay sa ulat, bandang alas-5:30 ng umaga ng maganap ang matinding away na kinasasangkutan ng mga suspek.

Ayon sa biktimang si Jaymar Liparanon, 27, nag-park siya sa gilid ng bangketa nang sitahin ng nakababatang suspek dahil terminal daw ng mga tricycle driver ng inukopa niya.

Dito na nagkaroong ng maaanghang na salita hanggang nauwi sa sakitan.

Sinuntok ang biktima at hindi pa nasiyahan ang nakababatang suspek, binaril ng kuya ang biktima gamit ang sumpak kaya nagtamo ng isang tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan ang biktima.

Sa ospital, nagsumbong ang biktima sa mga pulis kaya timbog ang inabot ng mga suspek.

AUTHOR PROFILE