Default Thumbnail

2 todas sa aksidente sa QC

November 16, 2023 Melnie Ragasa-limena 163 views

DALAWA ang patay sa magkahiwalay na aksidente sa Quezon City noong Huwebes.

Namatay sa unang aksidente si Amelia Boquero ng Brgy. Tatalon, Quezon City.

Ayon kay PSSg Bryan Zipagan ng Quezon City Police District Traffic Sector 4, alas-5:10 ng umaga nang mabundol ng kotse si Boquero sa corner ng E. Rodriguez Avenue at Banawe St., Brgy. Dona Josefa, Quezon City.

Papatawid ang biktima nang masalpok ng kotse (NCJ 8466) na minamaneho ni Aljene Marquez.

Dinala sa E. Delos Santos Hospital ang biktima pero namatay din.

Sumunod na namatay si Andrei Matthew Balayan nang sumalpok ang kanyang motor sa Hyundai na kotse (K2U741) ni Jeffrey Luyun.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni PCpl. Jaime Orpia Jr., na alas-2:30 ng madaling araw nang mangyari ang aksidente sa intersection ng Kamuning Road at K-D Street sa Brgy. Kamuning, Quezon City.

Papuntang Ermin Garcia St. si Luyun at papunta naman sa Tomas Morato St. ang biktima nang tumama ang motor niya kaliwang bahagi ng kotse ni Luyun.

Tumilapon si Balayan at tumama ang ulo sa semento, ayon sa imbestigasyon.

Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center si Balayan.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide sina Marquez at Luyun.