Default Thumbnail

2 taxi holdaper, tiklo sa Tondo

March 3, 2022 Jonjon Reyes 248 views

NABUKING ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) – Jose Abad Santos Police Station 7 ang dalawang lalaki na nangholdap sa isang 56-anyos na taxi driver, nang humingi ito ng tulong sa nagpapatrolyang mga pulis sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue at Solis St., Tondo sa Maynila Huwebes ng madaling araw.

Nakilala ang 2 suspek na sina Glen Mark Evasco, 23, ng Kawai Kawayan St., Bgy. 28 Caloocan City at Ryan Medina, 30, may asawa, ng Kawai Purok 1 Bgy. 28, sa parehong lungsod.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Robert Domingo, commander ng Station 7, bandang 1:45 ng madaling araw nang biglang bumaba ang biktimang taxi driver na si Jessie Mejulio, ng Tomas Claudio St., Roxas Blvd., Baclaran, Parañaque City upang humingi ng tulong sa nagsasagawa ng pagpapatrolyang pulis na pinangungunahan ni P/SMS. Ruel Hernandez ng Tactical Motorized Reaction Unit (TMRU).

Sa salaysay ng taxi driver, kasalukuyan umanong nakapark ito sa Monumento sa tapat ng LRT upang mag-abang ng pasahero.

Namataan nito ang 2 lalaki sa may Victory liner Terminal at sumakay ito patungo sa Buendia sa lungsod ng Pasay.

Habang binabagtas ng tsuper ng taxi ang kahabaan ng Jose Abad Santos Ave., nagdeklara na ng holdap ang isa sa mga suspek at sapilitang kinuha ang P510 na kita ni Mejulio at saka umano siya sinabihang idiretso nito ang pagmamaneho.

Agad namang tinutukan ng baril ang dalawang suspek upang pasukuin ng mga rumespondeng pulis saka pinababa ng sasakyan hanggang sa tuluyang mahuli ang mga suspek.

Nakumpiska ang 6 na bala ng cal. 9mm at isang replika ng kalibre 45 na baril mula sa isang suspek na holdaper. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE