Default Thumbnail

2 tao sabay nabundol ng pickup sa Laguna, dedo

November 8, 2023 Gil Aman 161 views

DALAWANG tumatawid na tao ang sabay namatay ng aksidenteng mabundol ng isang rumaragasang Mitsubishi pick up sa national highway sa Bgy. Bubukal, Sta Cruz, Laguna 2 a.m. ng Martes.

Kinilala ng Sta Cruz police ang mga namatay na sina Lesly Layin Barrios at Glenfird Asmeralde.

Idineklarang dead on the spot ang mga biktima ng tumilapon sa ang kanilang katawan dahil sa malakas ng pagkabundol sa mga ito ng sasakyan.

Samantala, ang drayber ng Mitsubishi Pick Up na kinilalang si Alyas Juan, ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide.

Ang bangkay ng dalawang biktima na dinala sa Relova Funeral Homes sa Sta Cruz.

AUTHOR PROFILE