Default Thumbnail

2 lalaki tiklo sa palit-manok modus

March 21, 2024 Jonjon Reyes 704 views

SINAMPAHAN ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) ang dalawang lalaki na nagpapalit ng mga buhay na manok na dahilan para malugi ng mahigit P200,000 ang isang poultry company.

Kasong Qualified Theft sa ilalim ng Article 308 in Relation to Article 310 of the Revised Penal Code ang isinampa laban kina Ruel Torres Barredo at Wilfredo Cruz at ganon din kina Ryan Santos at Reynante Dechosa, ang truck driver at helper na ginamit na decoy sa modus ng dalawa.

Bunsod ng reklamador sa mga suspek ng Foster Foods Inc (FFI), isang kumpanya ng poultry products at may iba’t-ibang farm at planta sa Luzon na nabiktima ng dalawa.

Modus operandi ng mga suspek ang pagpapalitin ang mga premium sized na manok na galing sa kumpanya sa mas mabababang timbang ng manok na kinukuha sa Hermosa, Bataan.

Lumalabas na nagagawa ng dalawa ang modus sa pakikialam sa truck GPS safety seal.

Lumalabas na sa mga ikinakarga sa truck na mga manok, tumitimbang ng 4,191.23 kilograms pero sa truck scale ticket 3,460 kilograms lang kaya lumalabas na mayroon pagkakaiba na 731.23 kilograms o at damage loss na P167,451.67

Nang kinompronta ang driver at helper na si Barredo at Vicente, inamin nila na ipinalit nila ang 520 na mga premium-sized na manok sa maliliit sa isang lugar sa Hermosa, Bataan.

Tumanggap sila ng P26,000 sa nasabing transaksiyon habang sina Marvin at Ian ang nag-tamper ng padlock.

AUTHOR PROFILE