Posas

2 kelot tiklo sa kidnapping, extortion

November 3, 2023 Gil Aman 226 views

DALAWANG lalaki ang naaresto ng mga pulis matapos mangidnap ng negosyante sa Pasay City at dinala sa Filinvest Bgy. Tubigan, Biñan, Laguna noong Lunes.

Swerte namang nakatakas ang biktima mula sa dalawang suspek na kinilala ng Biñan police na sina alyas Dennis at alyas Bin.

Ayon sa pulisya, Huwebes ng dakong alas-2:30 ng hapon natanggap ng mga pulis ang sumbong ng biktima tungkol sa pagdukot ng dalawang suspek sa negosyante.

Ayon sa biktima na hindi binanggit ang pangalan, dinukot siya ng mga suspek at humihingi ng P1 milyon at isang BMW.

Sinamantala ng biktima makatakas at saka nagsumbong sa pulisya.

Nabawi ng pulisya mula sa dalawa ang isang .22 caliber revolver, limang ammunition at 35 bala ng caliber 45.

Nahaharap sa kidnapping, extortion, grave coercion at paglabag sa gun ban ang dalawang suspek.

AUTHOR PROFILE