Posas

2 kelot tiklo sa boga sa Nueva Ecija

October 13, 2023 Steve A. Gosuico 401 views

SANTA ROSA, Nueva Ecija–Arestado ang dalawang lalaki na nagtangkang tumakas nang harangin sa checkpoint dahil sa pag-iingat ng baril pero nasakote rin makalipas ang habulan.

Nang maaresto, nakuha sa dalawang lalaki na sakay ng Chevrolet sports utility vehicle (WSX-317) ang isang cal. 45 pistol noong Huwebes ng hapon.

Arestado ang dalawang lalaki, edad 46 at 43, ng Bgy. Cutcut 1st, Capas, Tarlac.

Sinabi ni Major Neilmar Retana, hepe ng pulisya, na nahuli ang dalawa sa checkpoint sa Bgy. Soledad dakong 12:45 ng tanghali.

AUTHOR PROFILE