
2 babaeng ikinulong sa apartment nasagip
DAHIL sa impormanteng natanggap ng Manila Police District hinggil sa umano’y dalawang babae ang ikinulong sa isang apartment, magkasanib na puwersa ng MPD Station 9 at ng Manila Social Welfare Development ang sumagip sa Malate , Manila, nitong huwebes ng gabi.
Dahil dito, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 na inamyendahan sa R.A 10364( Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012) ang tatlong suspek na nakilalang sina Jaime Manalili, 31, ng San Nicolas, Block 4, Tarlac;Bryan Bacho, 34, ng Blk.9 -C Lt.21 Kaunlaran Village, Caloocan City at isang Abraham De Guzman, 65, ng Brgy Lomboy, inmaley Pangasinan.
Base sa ulat ni P/ Lt.Col.Cristituto Acohon, MPD – Station 9 commander, bandang 10:50 p.m. nang magsagawa ng entrapment at rescue operation sa Honeli apartment sa 2640 Del Carmen St., sakop ng Brgy.727 sa Malate.
Sa report ng pulisya, nakipag-ugnayan sa kanila sina P/ Lt.Col. Lucrecio Rodrigueza Jr., OIC, sa pakikipag-koordinasyon ng isang Angelo Gabriel Avila, ng Manila CSWD, na nagresulta sa dalawang babae na hindi na binanggit ang mga pangalan. Francis Naguit & Jon-jon Reyes