Default Thumbnail

Bgy ex-officer timbog sa droga sa Tondo

November 19, 2021 Francis Naguit 201 views

INARESTO ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team ( SDET) ng Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7 ang isang 47-anyos na Executive Officer ( EX -O) ng barangay dahil sa kalakaran ng bawal na shabu sa Tondo, Manila.

Dahil sa tawag ng isang concerned citizen sa aktibidades ng suspek na nakilalang si Ronald Santiago, kaanib ng Commando Gang , Brgy Ex-O sa Brgy.152 Zone 14 at residente ng 748 Kagandahan St., Tondo, una nang nagsagawa ng surveilance at nang magpositibo dito na ito kinompronta, at saka napilitan itong kapkapan, at makitaan ng shabu.

Base sa ulat ni P/ Lt. Harry Ruiz Lorenzo lll , Station Commander, bandang 3:45 ng madaling araw nitong Biyernes (Nov.19) nang mabulaga si Santiago sa riles ng tren, malapit sa Antipolo St., sa Tondo.

Hindi akalain ng ex-O na siya ang pakay ng nga tauhan ng MPD – SDET, kaya ito nabigla. Nakitaan ito ng tatlong nasa plastic sachet na tinatayang nasa isa hanggang 1.5 na gramo na may street value sa halagang P10,200.

Ayon kay Col. Lorenzo, malimit umanong nakakatanggap ng reklamo na nanggaling pa sa National Capital Regional Police Office (911) sa aktibidades ni Santiago.

Dahil dito, nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Dangerous Drug of 2002.

Samantala, nang magsagawa ng follow-up operation ang SDET, isang umano’y bading na nakilalang si John Carlo Macaranas,18, ng 2111Bolinao St., Sta Cruz Manila ang kanilang dinampot nang makitaan ito ng isang plastic sachet ng shabu. Francis Naguit & Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE