Posas1

18-anyos timbog sa laruang baril sa Pasay

September 18, 2023 Edd Reyes 248 views

TIKLO sa mga pulis ang isang 18-anyos na lalaki habang nagwawasiwas ng laruang baril sa Apelo Cruz St., Brgy. 157, Zone 16 sa Pasay City Linggo ng hapon.

Inaresto ng mga pulis ng Malibay police sub-station si Ronilo Reyes, 18, na hawak-hawak pa ang baril dakong alas 2:00 ng hapon sa naturang lugar.

Laking inis ng mga pulis nang malaman na replica lang ng kalibre .9mm Beretta na may magazine na naglalaman ng 15-bala ng pellets ang pinagyayabang ng suspek.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Roderick Mariano, bukod sa alarm and scandal, kakasuhan din ang suspek ng paglabag sa R.A. 10591 (Possession of a Gun Replica) in relation to RA 7166 (Omnibus Election Code) kahit replica lang ang nakumpiska sa kanyang baril.

AUTHOR PROFILE