Pascual

14 na business agreement nilagdaan ng PH, Australia

March 4, 2024 Chona Yu 72 views

AABOT sa 14 na business agreement ang naselyuhan sa pagitan ng Pilipinas at Australia.

Naselyuhan ang mga kasunduan matapos ang Philippine Business Forum na ginanap sa Melbourne, Australia.

Ayon kay Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, palalakasin ng mga kasunduan ang ekonomiya at kalakalan ng bansa.

Nasa $1.53 bilyon ang Australian investment sa Pilipinas.

Ang naturang kasunduan ay bilang pagpapakita ng commitement at mabungang partnership sa ibat-ibang sector tulad ng renewable energy, waste to energy technology, organic recycling technology, countryside housing initiatives, establishment of data centres, manufacturing of health technology solutions at digital health services.

Paliwanag ni Pascual, ang nasabing mga sektors ay nagpapakita sa hinaharap ng “Philippine-Asutralia business engagements.”

Nagsisilbi rin itong solidong pundasyon para mapanatili ang paglago at benepisyo para sa ugnayan ng dalawang bansa sa hinaharap.

Nagpasalamt naman si Pascual sa mga kumpanya at business leader na mamumuhunan sa bansa.

AUTHOR PROFILE