Default Thumbnail

13 aso natusta sa sunog sa Kyusi

May 5, 2023 Melnie Ragasa-limena 297 views

PATAY ang 13 aso sa sunog na sumiklab sa isang compound sa Barangay Bahay Toro sa Quezon City, nitong Huwebes ng hapon.

Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula umano ang sunog sa bahay ni Grace Hormigoso bandang alas-3 ng hapon.

Umabot lang ang sunog sa unang alarma ngunit hindi na naisalba ang mga asong nakatira sa nasabing compound.

Ani Grace, narinig na lang niyang may biglang pumutok at nakita na niyang nag-aapoy na ang circuit breaker.

Agad namang naapula ang apoy at patuloy na inaalam ng BFP ang sanhi ng sunog.

Tinatayang halos P750,000 ang halaga ng natupok na ari-arian.