Default Thumbnail

129 volcanic quakes naitala sa Mount Bulusan

July 3, 2022 Melnie Ragasa-limena 185 views

INIULAT nitong Linggo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakapagtala sila ng 129 volcanic earthquakes sa Mount Bulusan sa Sorsogon nitong nakalipas na 24-oras, mula sa dating 15 lamang sa nakalipas na monitoring period.

Sa bulletin na inilabas nitong Linggo, sinabi ng Phivolcs na ang bulkan ay nagbuga rin ng 556 tonelada ng sulfur dioxide flux noong Hulyo 2.

Ang moderate plume emissions ay umabot naman ng 150 metro ang taas, at tinangay patungong northwest at west-northwest. Binalaan rin ng ahensiya ang mga residente na naninirahan sa paligid ng river channels hinggil sa posibleng pag-agos ng lahar kung magkakaroon ng malalakas at matagal na mga pag-ulan sa lugar.

Una nang nakapagtala ang Phivolcs ng phreatic eruptions sa bulkan noong Hunyo 5 at 12 sanhi upang matabunan ng abo ang ilang barangay doon.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa bulkan, na nananatili pa rin ang pamamaga, at nangangahulugang posible pa ring magkaroon ng panibagong phreatic eruption sa mga susunod na araw.