Inton

100% passenger capacity sa public vehicles hiniling

December 11, 2021 Jun I. Legaspi 497 views

SIMPLENG policy para mas madali ipatupad para sa kaligtasan ng lahat!

Ito ang hiling ng transport at commuter group na Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) para sa kapakinabangan ng lahat lalo na ng mga commuters na sumasakay ng public transportation araw-araw.

Mungkahi ni Atty. Ariel Inton, founder ng LCSP, na gawing maximum number of passengers sa public transportation imbes na percentage lang.

Pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na gawing seventy percent allowable passenger capacity ang mga public utility vehicles.

“Pero sa totoo lang , dahil sa kulang na kulang ang public transport lumalampas pa nga ng 100 percent capacity dahil nakikita natin na standing ang mga pasahero sa mga bus at may sabit na pasahero sa mga jeeps lalo na kapag rush hour,” ani Inton.

Nagbanta naman ang mga awtoridad na huhulihin at pagmumultahin ang mga sasakyan na lalampas ng 70% passenger capacity, ayon pa rin sa LTFRB.

“Ang tanong gaano ba ka dami ang 70% percent? Sa jeep? Sa taxi? Sa UV? Sa bus? Aba pag mahina ka pa sa math ay baka di mo agad makwenta kung ilan talaga. At kadalasan ang 70 percent ay may butal na kalahating tao. Mas madali kung magtalaga na lang ng maximum number of passengers. Madaling bilangin. Madaling intindihin. Madaling ipatupad. Halimbawa sa bus italaga na lang ang maximum number na maisasakay,” dagdag ni Inton.

Iminungkahi rin ng LCSP na dagdagan ang public transport sa mga ruta na dagsaan ang pasahero, tulad ng Commonwealth Avenue na pag rush hour ay talagang mahirap makasakay ang mga pasahero.

“Mabuti na lang at walang coding ang public transport at hindi nabababawasan ang masasakyan sa ibang araw dahil sa coding system. Ganumpaman, mas mainam na madagdagan pa ang mga masasakyan lalo na at magpapasko,” saad ni Inton.

AUTHOR PROFILE