Sabit SABIT–Ang naarestong suspek na nahuli sa tulong ng CCTV sa Sta. Mesa, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

1 sa 2 kawatan tiklo

March 17, 2024 Jonjon Reyes 90 views

HULI ang isa sa dalawang suspek sa pagnanakaw sa Brgy. 598, Sta. Mesa, Maynila noong Sabado sa follow-up operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Sta. Mesa Police Station 8.

Nakilala ang suspek na si alyas Hamja Domingo, 21, na nahuli sa tulong ng CCTV footage habang nakatakas si alyas Eric, 20.

Nakulimbat ng mga kawatan ang mga gamit ng dalagang property consultant.

Ayon sa pulisya, dakong alas-11:00 ng gabi ng maganap ang insidente.

Narekober sa suspek ang aircon na nagkakahalaga ng P15,000, laptop na tig-P30,000 at Google Pixel cellphone na nagkakahalaga ng P12,000.

AUTHOR PROFILE