Pertussis Source: Mayo Clinic

1 patay, 21 tinamaan ng pertussis sa Bataan

April 5, 2024 Christian D. Supnad 80 views

BATAAN — Isa ang namatay samantalang umabot na sa 21 ang bilang ng na admit sa pagamutan dahil sa pertussis dito sa Bataan.

Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH), umabot na sa 49 ang total ng namatay sa sakit na ito sa boung bansa.

Base sa ulat na tinanggap ni Gov. Joet S. Garcia, pito dito ang na discharged samantalang tatlo naman ang nagnegatibo.

Ang persussis o whooping cough ay ang matinis at ipit na paghinga matapos ang pag-ubo. Ang bata ay maaaring makaranas ng hirap sa paghinga, at pagsusuka.

Ayon sa pinakahuling datos ng Bataan PHO, sinabi ni Garcia na mayroong 21 indibidwal na nagpapakita ng sintomas sa lalawigan, ngunit isa pa lamang po dito ang kumpirmadong may Pertussis.

Dahil sa tumataas na bilang ng mga hinihinalang kaso, “atin pong inirerekomenda ang pagsunod sa mga hakbang sa pag-iingat upang maiwasan at kontrolin ang pagkalat ng sakit na Pertussis, gaya ng pagtatakip ng bibig at ilong kung uubo o babahing, palaging paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask, pag-iwas sa high-risk individuals, at pagmo-monitor kung magkaroon ng contact sa taong kumpirmado o hinihinalang mayroong Pertussis,” anang gobernador.

Bagamat ang pertussis ay nakahahawa lalo na sa mga bata, ito ay nagagamot at naiiwasan.

“Sabi nga po, ‘Prevention is better than cure,’ kaya’t pabakunahan na ang inyong mga anak at sundin ang mga hakbang sa paglaban dito,” anang gobernador.