Kulong

3 nagnenok ng dog food sa bahay ng ex-mayor, kulong

April 6, 2024 Steve A. Gosuico 138 views

QUEZON, Nueva Ecija – Arestado ang tatlong manggagawa kabilang ang isang menor de edad matapos akusahan ng pagnanakaw ng ilang bag ng dog food at gamot na nagkakahalaga ng P21,000 sa bahay ni dating mayor Eduardo Basilio “Dale” Joson dito noong Biyernes.

Sinabi ni Police head Major Angelito A. Manalastas na ang dalawang naarestong suspek, nasa edad 30 at 18, at ang menor de edad ay mga empleyado/caretakers sa bahay ng Joson sa Bgy. Dulong Bayan dito.

Nahuli umano ang tatlo sa aktong pagnanakaw ng apat na bag ng feeds at dog food kabilang ang tatlong kahon ng gamot na nagkakahalaga ng P21,000.

Sa isinagawang imbestigasyon lumalabas na ilang buwan na umano itong ginagawa ng mga suspek bago ito natuklasan.

Sinabi ni Manalastas na dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, inihahanda na ang kasong qualified theft para sa inquest filing laban sa dalawa sa mga suspek habang ang menor de edad na suspek ay itinurn-over sa municipal social welfare development office dito para sa kaukulang disposisyon.

AUTHOR PROFILE