Zia

Zia at Sixto, pormang chef sa baking class

June 6, 2022 Jun Nardo 436 views

BATA pa lang ang magkapatid na si Zia at Sixto pero ipinasok na sila nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa isang baking class, huh!

Ang baking class na pinasukan nila ay Ibinagay sa kanilang mga edad.

Eh, kung seseryosohin ang isang baking class, mahirap din ito, ’di ba?

Kaya nga parang naglalaro lang sina Zia at Sixto sa kanilang class.

Nakasuot pa sila ng chef suits, huh! Pormang chef talaga!

Ipinost ni Dong ang cute na picture ni Sixto, hayun at nakuhanan siya na tila inaantok sa klase.

At least, sa murang edad, eh, may matututunang kakaibang pag-aaral ang nagawa nila bukod sa totoong class sa school, huh!

SEARCH PARA SA BAGONG DABARKADS

NAGHAHANAP ang Eat Bulaga ng bagong magiging Dabarkads nila.

Yes, kahit marami na ang Dabarkads, welcome ang mapipili nila basta swak na swak sa Bulaga.

Sa EB Dabarkads, kailangan hindi ka sensitive at kahit ano ang ipinagawa ng programa para sa show eh, walang tanggi!

Eh, ‘yung mga nawalang Dabarkads, may kaartehan kung minsan. May mga restriction. Tsinugi!

Hindi kailangang maganda o guwapo, basta may talent, lalo na sa pagpapatawa, baka ikaw na ang hinahanap na bagong EB Dabarkads.

AUTHOR PROFILE