Jason

Jason at Vickie, sa September ikakasal

June 6, 2022 Vinia Vivar 387 views

Ngayong September, 2022 na pala ang kasal nina Jason Abalos and Vickie Rushton. Ini-reveal ito ng aktor kahapon sa kanyang Instagram Story.

Ni-repost ni Jason ang “save the date” invitation ng kanilang kasal na ipinost ng isa sa mga ninang. Nakasaad dito na gaganapin ang wedding nila ngayong Setyembre sa San Antonio de Padua Parish Church sa Nasugbu, Batangas.

Ibinahagi na rin ng engaged couple ang ang mga larawan na kuha sa pre-nuptial shoot nila sa hometown ni Jason sa Nueva Ecija last December.

“Una sa lahat salamat sa inyong mga pag bati. Our pre-nup happened Dec. last year in my hometown in Pantabangan Nueva Ecija. Here are some of the photos from the first layout. More to come,” caption ni Jason sa mga larawan.

Sa post naman ni Vickie ay ikinuwento niyang gumising pa sila ng 2 a.m. para lang mai-shoot ang sunrise for the pre-nuptial.

“Woke up at 2am for this sunrise shoot. We are beyond grateful to everyone who put a lot of effort and travelled all the way to Nueva Ecija to make this happen,” ani Vickie.

Sa isang caption ay sinabi naman niya na ang pre-nuptial shoot ang one of the best things na nangyari sa buhay niya in 2021.

Na-engage sina Jason at Vickie in September, 2021.

AUTHOR PROFILE