
Zeinab, naiyak kay Marian
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maka-move-on ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake sa paghaharap nila ng iniidolong si Marian Rivera sa grand opening ng Beautederm Corporate Headquarters sa Angeles City, Pampanga, na isinabay sa selebrasyon ng Chinese New Year.
Biro ni Zeinab, parang ayaw niyang maligo ng isang linggo dahil niyakap siya ng Kapuso primetime queen na gaya niya ay Beautederm ambassador din.
Sa in-upload na bagong YouTube vlog, kitang-kita ang excitement ni Zeinab na naiyak pa sa tuwa nang makaharap si Marian, pati na ang mister nitong si Kapuso primetime king Dingdong Dantes.
Sigurado raw siya na maraming fan girl ang makaka-relate sa unforgettable experience niyang ‘yon.
Nagpasalamat din si Zeinab kay Beautederm president/CEO Rhea Anicoche-Tan dahil kung hindi dito ay hindi niya mami-meet nang personal ang matagal nang idolo na si Marian.
Speaking of Miss Rhea, sinabi nito na ang Beautederm Corporate Headquarters ay isang “dream come true.”
Dagdag niya, “Each person who ever believed and continue to believe in my vision to contribute a beautéful difference in this world has impacted every brick, metal and stone of this building.
Hindi ko ito nagawa mag-isa — marami ang tumulong sa akin. I dedicate this to all our consumers not only here in the Philippines but around the world as well, to my hardworking staff, to my brand ambassadors and to all our resellers, distributors and franchisees. Together, we are ready, more than ever, to face the promises of the coming years anew with all our hopes and dreams.”
Ang building ang pinakabahay ng corporate operations ng kumpanya, pati na ng iba pang mga negosyo na bahagi ng Beautéderm Group of Companies: Ang luxury store na A-List Avenue; BeautéHaus aesthetic clinic; AK Studios, ang state-of-the-art studio para sa photo shoots at video productions; at Beauté Beanery, isang fusion restaurant at café.
Bukod sa DongYan at kay Zeinab, dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang ilan pang Beautederm brand ambassadors gaya nina Jelai Andres, Darla Sauler, Sunshine Garcia, Bulacan Vice Governor Alex Castro, Buboy Villar, JC Santos at marami pang iba.