Marian

Zeinab, atat makaharap ang kapwa-Beautederm endorser na si Marian

September 10, 2022 Ian F. Fariñas 285 views

Rhea

FAN girl mode ang YouTube sensation na si Zeinab Harake tuwing napag-uusapan ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Kaya naman sa katatapos na launch sa kanya bilang pinakabagong mukha ng Beautederm oral care products gaya ng Koreisu Family Toothpaste, Koreisu Whitening Toothpaste, Etré Clair Refreshing Mouthwash at Etré Clair Mouth Spray, hindi niya napigilang kiligin isipin lang na kasama na niya ang Kapuso Primetime King and Queen sa pamilya ni Rhea Anicoche-Tan, Beautederm president/CEO.

Ani Zeinab, sobrang big dream para sa kanya ang makasama ang iniidolong DongYan.

Kwento niya, “Hindi pa kami nagmi-meet ni Ate (Marian) pero nagka-chat na po kami. Pero sabi niya sa akin ‘see you soon.’ Sobrang excited ako du’n sa ‘see you soon’ na ‘yon. Nahihiya akong mag-aya ng ‘ate, pwede ba tayong magkita?’ Sana bigyan kami ni God na ng time, asap na, na magtagpo kaming dalawa.”

Pagdating kay Dingdong, nakaharap na ito ni Zeinab at puro papuri lamang ang nasabi niya sa aktor.

“Sobrang bait ni Sir Dong. sabi ko nga sa kanya, eh, DongYan lover ho ako. Tuwang-tuwa rin siya kasi ang kulit-kulit ko raw. Sobrang bait ni Sir Dong and ang bangu-bango niya, as in! Talagang parang lahat kami parang nakaganyan sa kanya. Mag-i-start na ang show, ang guwapo talaga niya and bagay na bagay sila. Ako ang number one supporter talaga nila noon,” kilig na diin ng single mom na may mahigit 50 million followers na across all platforms gaya ng Facebook, Instagram, TikTok, Twitter at YouTube.

Overwhelmed si Zeinab sa kauna-unahan niyang presscon dahil nasanay na raw siyang viewers sa YouTube ang mga nagtatanong at sinasagot niya.

“’Di ko po in-expect. Ang daming nagtatanong, hahaha!” dugtong niya.

Siyempre, napag-usapan ang tungkol sa kontrobersyal niyang lovelife at ang muli niyang pagbangon mula sa tinatawag niyang “bangungot” sa buhay niya.

“Eh, bangungot naman po talaga. Talaga pong isa siya sa pinka-darkest na feeling ko nga po ‘yung kwarto ko that time, eh, hindi po ako natutulog sa kwarto nu’ng hindi pa ako okay, eh. Siguro mga two-three months, ‘pag pumapasok ako sa kwarto na ‘yon, ang dilim. Hindi ko kayang pumikit. Para akong binabalik sa bangungot na naransan ko. Pero, so far, okay naman ako, thank God.

Binigyan Niya ako ng strength para lumaban,” pahayag ni Zeinab.

Wala na raw silang communication ng dati niyang dyowa na rapper na si Skusta Clee.

“’Wag na, ‘wag na po. Kaya ko naman po. Hindi naman po ako ano nangangailangan ng… ‘di po, ‘yung baby ko po, baby ko lang po ‘yon. Baby ko lang po ‘yon. Akin lang po ‘yon at alam ko na darating ‘yung time na baby ko na ang mag-i-explain na ‘mommy ko lang lahat.’ And hindi ko siya sinusumbat na ginagawa ko, mommy/daddy niya ko, okay na ako du’n. Happy and proud ako na ‘Mapa’ nga tawag niya, eh. Mama/ Papa,” patuloy niya.

Sa ngayon, self-love ang number one priority ni Zeinab at natuto na raw siyang balansehin ang mga bagay-bagay sa buhay niya.

Maging sa bago niyang inspirasyon na isang private person, marunong na raw siyang mag-give at mag-take.

“Hindi na pwedeng all-out tayo ngayon kasi dati talaga, as in super duper. Pero ngayon, mas pinipili ko na give and take. Natutunan ko na ‘yung salitang give and take kasi ako po ‘yung klase ng tao na madalas na… giver ako, eh. Kaka-give ko nang kaka-give, hindi ko na namamalayan na wala na pala akong nari-receive. Ubos na pala ako. O, ngayon, natutunan ko na kapag nagbigay ka ng ganito, dapat may ma-receive ka rin na even a little. Para ‘yung pakiramdam mo mas mapagaan and hindi ka nalugi at talo sa dulo,” payo pa ni Zeinab.

Malaki rin ang pasasalamat ng social media influencer kay Miss Rhea sa tiwalang ibinigay sa kanya bilang Beautederm endorser.

Sabi nga ni Miss Rhea, “Lumalaki na talaga ang Beautéderm family natin at ang saya saya. Sinasalubong namin si Zeinab sa aming pamilya at welcome na welcome addition siya sa pagkalat namin ng mensahe ng pagmamahal ng Beautéderm sa kanyang 50 million fans online. I am so grateful for the love and support of all my ambassadors who remained loyal to Beautéderm after all these years and I am excited to be with our new ambassadors and have an exciting adventure with them in the years to come.”

AUTHOR PROFILE