Servo

Yul vs Sam sa Maynila sa 2025

June 10, 2024 Jun Nardo 424 views

NAGPAPARAMDAM na ang kakandidato sa Manila kahit sa 2025 pa ang mid-term elections.

Nabalitaan namin na nagpatawag ng barangay officials over lunch si Party List Representative Sam Versoza, boyfriend ni Rhian Ramos.

Ayon sa source namin, mayor umano ang target takbuhan ni Sam, huh!

Pero may nabalitaan din kami na tatakbo ring Manila mayor ang aktor na si Yul Servo na kasalukuyang vice mayor ng siyudad.

Sa posisyon ng konsehal, matunog naman sa isang distrito ng Maynila na tatakbo bilang konsehal ang young actor na si Joaquin Domagoso, anak ni Yorme Isko Moreno.

Maaga pa kung tutuusin, pero sabi nga, daig ng maagap ang masipag, huh!

CAST REVEAL NAKABITIN

NAPILI na ang gaganap bilang April Boy Regino sa gagawing bioflick ng yumaong singer.

Ayon sa mga involved sa audition at production ng movie, ang lead na napili ay gaganap bilang si April Boy habang ang dalawang runners-up ay lalabas bilang mga kapatid niya na sina Vingo at Jimmy.

Pero ayon kay Direk Arman Reyes, tatapusin muna ang principal photography ng movie na sa mid-July ang shooting.

After ng shooting, saka magkakaroon ng cast reveal sa isang mediacon.

AUTHOR PROFILE