Claudine

Yes, I still love Claudine — Mark Anthony

January 12, 2022 Vinia Vivar 373 views

Parehong hindi nagdalawang-isip sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez nang i-offer sa kanila ang pelikulang Deception ng Viva Films at Borracho Film Productions mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

Ang huling pelikula nilang ginawa together ay ang Mangarap Ka 27 years ago at noon pa talaga ay marami na ang nagre-request na magkaroon sila ng reunion movie.

“No second thoughts,” ani Claudine sa digital mediacon last Tuesday, “matagal ko na siyang gustong makatrabaho.”
Wala rin daw ilangan sa kanila habang ginagawa ang pelikula. Well, as we all know ay nagkaroon ng relasyon sina Mark and Claudine during their younger years.

“Walang ilangan. Nag-uusap kami kung anong gusto naming gawin sa scene and happy ako. Kasi, ano pa bang pwedeng hingin? Si Direk Joel na ‘yung direktor, tapos si Mark pa (ang kasama), so ang laki-laking pasasalamat ko sa Borracho Films at sa Viva,” sey ni Claudine.

Ayon naman kay Mark, na-excite siya more than anything dahil matagal na nga sila dapat gagawa ng pelikula pero hindi matuluy-tuloy.

“Buti ngayon, natuloy na, and natsambahan naman namin itong script na ‘to,” he said.

Natanong din ang dalawa kung nag-throwback ba sila sa kanilang past habang ginagawa ang film at napag-usapan ba nila kung paano kaya kung nagkatuluyan sila.

Aminado sila na napag-usapan nila talaga ito at sey nga ni Mark, masaya siya na close sila ulit ni Claudine.

“Hindi man kami nagmamahalan bilang lovers, bilang magkaibigan, bilang acquaintance, ako, natutuwa pa rin akong nakakausap siya, ganu’n din siya sa akin.

“Pero iniisip ko rin, kung nagkatuluyan kami, ano kaya ang hitsura ng anak namin? Alam mo ‘yun?” ani Mark.

Sey ni Claudine, “Napag-usapan namin ‘yan, actually. ‘Pano kung nagkatuluyan tayo? Ilang taon na ‘yung anak natin? Kino-compute pa namin.”

Biglang hirit ni Mark, “Pero para sa akin, hindi pa huli ang lahat, alam mo ‘yun? Kung anuman ‘yun. Kasi bata pa naman si Boss Clau, eh. Alam mo ‘yun? Depende sa sitwasyon, alam mo ‘yun? Kung biglang may access ako na makaligaw sa kanya, bakit hindi?”

Asked kung mahal pa niya si Claudine, ayon kay Mark, mananatili siyang may crush sa ex-girlfriend.

“Yes, I still love Claudine, as an actress, as a friend. Crush-wise, hindi mawawala ‘yung pagka-crush ko sa kanya. Kahit ano pa ang situation. Basta lagi ko siyang crush,” pag-amin ni Mark.

Streaming na sa Vivamax ang drama-mystery film na Deception sa Jan. 28.

Bukod sa reunion movie ito ng tambalang Mark-Claudine, comeback film din ito ng aktres after six years.

AUTHOR PROFILE