Yael

Yael, muling nag-propose kay Karylle para sa renewal of vows

February 26, 2024 Vinia Vivar 105 views

Ginulat ni Yael Yuzon ang asawang si Karylle nang bigla siyang mag-propose (for the 2nd time) sa It’s Showtime kahapon for their renewal of vows.

Sa opening ng show ay binati nina Kim Chiu, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ryan Bang at iba pang hosts si Karylle dahil sa successful run ng ng Rama Hari.

Pagkatapos nito ay tinawag ni Vhong ang isang special guest na gusto ring bumati kay Karylle, walang iba kundi si Yael.

Halatang nasurpresa si Karylle at sambit niya sa mister, “Ay, kaya pala nagre-ready ka ng t-shirt.”

Sabi naman ni Yael, hindi sanay si Karylle na sinu-surprise at mas gusto nito na nakaplano ang araw.

Binati ni Yael ang misis for the success of Rama Hari at sey pa niya, “I’m very proud as your loving husband.”

Ang hindi alam ni Karylle ay may kasunod pa pala ito na for sure ay kasabwat ang mga host.

Sabi ni Vhong, “’Di ba, Yael, 10 years na kayo?”

Sagot naman ni Yael, “Magti-ten years na kami na kasal. And alam mo, ‘yung thing kasi na alam mo kasal na kayo ng 10 years, parang mas naa-analyze mo ‘yung mga things through the ups and downs, mostly ups, pero sa mga downs mas naa-analyze mo ‘yung mga things.”

Habang sinasabi ito ng singer ay nagsipuntahan na sa gilid ng stage ang hosts at iniwan na sa gitna ang mag-asawa para sa pasabog ni Yael.

Patuloy pa ng Spongecola vocalist, “Tapos kung sigurado ka back then, mas sigurado ka na now kasi meron na tayong 10 years together. Pero meron akong hindi nagawa before. So, I’m gonna do it now.”

Pagkatapos nito ay naglabas ng singsing si Yael at lumuhod sa harap ni Karylle.

“Will you marry me again?” tanong niya sa asawa.

Of course, Karylle answered a loud “Yes!”

Nagyakap at nag-kiss ang mag-asawa.

Tinanong ni Teddy Corpuz si Yael kung hindi ba ito nakapag-propose noon at aniya, nakapag-propose naman siya pero sa kotse lang daw.

Hindi umano siya ma-grand gesture talaga at low-profile lang talaga sila ni Karylle.

“First time ko yatang gumawa ng anything like this in my life,” sey ni Yael.

Yael and Karylle were wed in a private ceremony in March 21, 2014 sa Silang, Cavite.

AUTHOR PROFILE