Xyriel

XYRIEL, ZAIJIAN AND MIGGY: SHOWBIZ’S NEXT BIG STARS

January 13, 2024 Joey Aquino 480 views

ZaijanNEW year, new stand outs in local showbiz.

Bago pa matapos ang 2023, nag-trending na ang young actors na sina Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Miggy Jimenez sa kanilang impressive acting performance sa hit series na ‘Senior High’.

Xyriel Manabat. Siya ang batang bida sa teleseryeng 100 Days to Heaven’ bilang ‘young reincarnate’ ni Anna Manalastas, na karakter ng seasoned actress na si Coney Reyes. Noon pa man, kita na ang galing niya sa pag-arte. She also topbilled the series ‘Momay’ and portrayed several roles during her stint as a child star. Hanggang sa pansamantala niyang iwanan ang showbiz para mag-focus sa pag-aaral. It was in early 2023 when she surprised her fans with her showbiz comeback via the hit series ‘Dirty Linen’. Dito muli niyang ipinamalas ang walang kupas niyang galing sa pag-arte. Her follow-up project ‘Senior High’ has made her star shine brighter with her trending performances.

Zaijian Jaranilla. Sumikat siya bilang si Santino sa hit series na ‘May Bukas Pa.’ The character has become his showbiz trademark. Naging sikat na child star sa kanyang henerasyon. As a homegrown Kapamilya actor, Zaijian has become one of the network’s young prime talents. Magaganda ang mga project na ipinagkakatiwala sa kanya, gaya na lamang ng Philippine version ng Korean series na ‘The Broken Marriage Vow’. Siya si Gio Ilustre, ang anak nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo sa nasabing serye. His versatility is one of his strenghts as an actor. Sa seryeng ‘Senior High’, trending ang kanyang portrayal sa gay character bilang si Tim, lalo na ang screen romance nito kay Poch (played by Miggy Jimenez). Zaijian is no alien to portraying a gay character, having played the titular role in the gay-themed movie ‘Boyette: Not a Girl Yet.’

Miggy Jimenez. The Kapamilya actor has stirred noise with his character as Poch in the series ‘Senior High’. Mahusay ang pagganap niya sa kanyang karakter bilang biktima ng sexual harrasment. Pero mas nagmarka ang kanyang kissing scene kay Tim (Zaijian), na nag-trending sa social media. Miggy also started young in showbiz as one of the hosts of the kids show ‘Tropang Potchie’. Pero ngayon lang muling napansin. Ito ‘yung good example na ‘pag natutok sa ‘yo ang spotlight, kailangan i-todo muna. And Miggy has stood tall in this series.

Sa ipinamalas na husay sa akting, tiyak na may kasunod na project na para kina Xyriel, Zaijian at Miggy ngayong magtatapos na ang ‘Senior High’ sa January 19. Will they be groomed as the next Kapamilya primetime bida? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolumn na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon.

Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE