Xyriel Larawan mula sa IG/@xyrielmanabat_

Xyriel Manabat ibinandera non-showbiz bf

December 1, 2023 People's Tonight 705 views

TILA nilanggam ang netizens sa sweet moments ng young actress na si Xyriel Manabat at ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Ibinandera ng ‘Senior High’ actress ang kanyang love life sa kanyang Instagram page nitong Huwebes, Nobyembre 30.

Sa post, makikita ang mga larawan ng dalawa na masayang magkasama sa kanilang date. Tila nag-museum date pa nga ang aktres at ang nobyo nito. Makikita ring nanood sila sa sinehan base sa larawan.

“Last week was fun my love,” sey ni Xyriel sa caption ng kanyang post.

Saad naman ng ilang netizens ay huwag mag-break at tumagal ang relasyon ng dalawa.

“Wag naman sana kayo sumabay sa 2023 break up.”

“Napaka swerteng nilalang.”

“Wag kayo magbebreak.”

“Stay strong po.”

“Soo sweet naman.”

“Man, you’re one lucky guy.”

“Ilayo mo sa mga ahas sa paligid ha.”

AUTHOR PROFILE