
Xian sa breakup kay Kim: I’m good!
WALANG nakalusot na tanong kay Xian Lim tungkol sa breakup nila ni Kim Chui sa mediacon ng GMA series niyang Love. Die. Repeat.
Siyempre nga naman, si Jennylyn Mercado ang leading lady ni Xian at ang series ang pagbabalik niya sa primetime kaya sa kanya dapat ang focus ng mga tanong.
Pero hindi nakaligtas si Xian nang matapos ang mediacon dahil nahingan pa rin siya ng ilang pahayag ng press nang kumustahin siya tungkol dito.
“I’m good!” ang matipid na sagot ni Xian. Dinugtungan niya ito ng, “I’m moving on. Moving forward.
“Everything has a reason kaya ako naman, isa-isa lang muna. Basta I am okay and work, work muna tayo,” sambit pa ng aktor.
Hindi lang TV series kundi may movie pang gagawin si Xian.
Kaya move on na rin kayo, ‘no?