
West Luzon uulanin–PAGASA
NAGBABALA ang Philippine Atmospheric, Geophysical, at Astronomical Services Administration (PAGASA) na uulanin ang kanlurang bahagi ng Luzon dahil sa pagpapatuloy ng habagat.
Ayon sa 4 a.m. bulletin, uulanin ang Ilocos, Batanes, Babuyan Islands, Abra, Benguet, Zambales at Bataan.
Magkakaroon din ng maulap na kalangitan at mayroon ding pagkulog at pagkidlat. May posibilidad ng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa malalakas na ulan sa mga rehiyong ito.
Samantala, cloudy conditions na may manaka-naka ring pag-ulan sa iba pang bahagi ng Luzon
Magkakaroon naman ang malaking bahagi ng Visaya at Mindano ng mahinang ulan at mahina hanggang katamtamang hangin.