Kulong

Wanted sa panghahalay shoot sa selda

July 30, 2023 Jojo C. Magsombol 297 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Shoot sa selda ang isang 25-anyos na suspek sa panghahalay matapos maaresto ng mga otoridad sa Bgy. 1, Lipa City, Batangas, Biyernes ng umaga.

Ayon sa report ni Batangas Police Provincial Director Col. Samson Belgica Belmonte kay Police Regional Office Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon)
Director Police Brigadier General Carlito M. Gace, nakilalang ang suspek na binata, ng Lantog, Ilocos Sur, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. San Fernando, Malvar, Batangas.

Sinabi ni Belmonte na naaresto ang suspek nang magsama ang mga tauhan ng Lipa City Police Station warrant/Intel section, ang lead unit, Batangas 402nd Maneuver Company at 403rd Maneuver Company RMFB 4A, Special Operations Unit (SOU) 3 at Maritime Group.

Naaresto ang lalaki sa bisa ng warrant of arrest ni Presiding Judge Policarpio M. Martinez ng Regional Trial Court, Branch 71 ng Candon City, Ilocos Sur.

AUTHOR PROFILE