Default Thumbnail

Lalaki, 50, naligo sa dagat, naglaho

July 31, 2023 Jojo C. Magsombol 160 views

ISANG 50-anyos na diumano’y lasing na lalak ang nawawala at pinaniniwalaang nalunod nang maligo sa dagat ng Bgy. Loc-Loc, Bauan, Batangas noong Sabado ng hapon.

Ayon sa Bauan police, nasawi ang isang lalaki, may asawa, ng Bgy. Laurel, Mabini, Batangas matapos hindi na muling lumutang sa dagat.

Nangyari ang inisdente bandang 5:45 ng hapon. Sinabi ng mga pulis na agad silang nagresponde sa nabanggit na lugar matapos makatanggap ng tawag tungkol sa nawawalang tao.

Nabatid sa imbestigasyon na bandang 2:30 ng hapon ng ipagbigay-alam ng saksi na si Roiland Bueno y Medrano na may nakita siyang lalaki sa dagat na pinaniniwalaang lasing.

Ayon sa saksi, nagsikap silang mahanap ang biktima, ngunit nabigo silang makita ang lalake.

Tuloy pa rin ang retrieval operation ng Coast Guard (CG), Bureau of Fire at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Bauan para ma-recover ang lalaki.

AUTHOR PROFILE