Default Thumbnail

Walang pagtaas sa presyo!

November 5, 2023 Vic Reyes 200 views

Vic ReyesMAGANDANG balita! Ayon sa Department of Agriculture, walang pagtaas sa presyo ng agricultural products ngayong holiday season.

Ito ang sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa sa ginanap na News Forum.

Nang tanungin, kung may problema ba sa supply ng manok at baboy, simple lang ang ang naging tugon ni De Mesa. “Hindi natin ine-expect ‘yan dahil maganda ang supply natin because of the stability of our local production plus tuluy- tuloy ang additional na imports na pumasok na at papasok pa.”

Maganda rin daw ang produksyon ng karne partikular ang baboy at manok na pangunahing inihahanda sa tuwing kapaskuhan.

Ngayong 4th quarter inaasahang makapag-poproduce ang bansa ng tone-toneladang baboy at manok kaya walang magiging problema sa supply.

Stable naman daw at nananatili ang presyo ng bigas kahit na inalis na ang retail price cap sa mga ibinebentang bigas sa merkado.

Sana patuloy na mapababa ang peesyo ng mga pangunahing bilihin dahil takaga namang hirap na hirap na ang ating mga kababayan.

***

Isa namang local broadcaster at nagmamay-ari ng istasyon ng radyo ang pinaslang.

Ayon sa ulat, kasalukuyang nagbo-broadcast ng kanyang sikat na programang “Pa-hapyod sa Kabuntagon” si Juan Jumalon, 43, na mas kilala sa tawag na “DJ Johnny Walker”, nang patayin ng nag-iisang gunman.

Ito ay naganap sa mismong bahay ni Jumalon kung saan doon din ang istasyon ng kanyang radyo, sa Purok-6, Barangay Don Bernardo A. Neri , Calamba town, Misamis Occidental bandang 5:35 ng umaga kahapon, araw ng Linggo, Nobyembre 5.

Ayon sa ulat ng pulisya, si Jumalon ay binaril sa bunganga at lumabas ang bala sa likod ng kanyang ulo na agad nitong ikinamatay.

Ang pag-atake ay nakunan sa camera dahil sa live nga ang programa sa radyo ng biktima.

Si Jumalon ay dinala sa Calamba District Hospital, ngunit, pronounced dead upon arrival, ayon naman kay Dr. Geopeter Manisan.

Nagsasagawa na ng forensic examination at investigasyon ang pulisya sa lugar kung saan naganap ang krimen.

Base sa closed-circuit television footage, kinuha pa ng suspect ang gold necklace ng biktima.

Si Jumalon 199 na journalist ng napatay mula 1986.

Sana malutas agad ang kasong ito sa lalong madaling panahon.

Nakikiramay tayo sa mga naiwan ni Juan Jumalon.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE