Leader THE NEW LEADER–Nagsagawa ng turnover para sa bagong NBI director na si Jaime Santiago at dating director Atty. Medardo De Lemos sa conference room ng Penthouse, VTech Tower, Quezon City. Kuha ni JonJon Reyes

Walang humpay na pagpapatupad ng batas pangako ng bagong NBI director

June 18, 2024 Jonjon Reyes 125 views

TINIYAK ng dating judge na si Jaime Santiago, ang bagong director ng National Bureau of Investigation (NBI), ang walang humpay na pagpapatupad ng batas.

Ito ang sagot ng bagong NBI director matapos tanungin kung patuloy ang NBI sa paghahanap para sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy.

Noong nakaraang linggo, naglabas ng warrant of arrest ang mga awtoridad laban kay Quiboloy sa KOJC compound.

Sinasabing nasa 25-ektaryang Glory Mountain sa Brgy. Tamayong o kaya’y sa katabing 50-ektaryang prayer mountain namamalagi ang KOJC leader.

Sinabi ni Santiago na handa siyang aksyunan ang kaso ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Ayon pa sa bagong direktor ng NBI, ipapatupad nito ang “reward system” para sa mga empleyado.

“Yung intelligence fund naming uubusin ko sa reward na ‘yan. Para ganahan ang ating mga ahente. May reward system. Maganda ang trabaho mo, may reward ka sa akin,” sabi ni Santiago.

Bukod dito, sinabi ni Santiago na binigyan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng marching orders para aksyunan ang mga cyber crimes.

AUTHOR PROFILE