Malabon

Waiting shed sa Malabon pinamamahayan ng pulubi

August 20, 2022 People's Tonight 666 views

TINATAWAGAN ng pansin si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, gayundin si Bgy. Captain Jerome Manalastas na aksyunan ang inirereklamong waiting shed sa M.H Del Pilar Street, tapat ng kalsadang papasok sa San Lorenzo Ruiz Hospital dahil pinamamahayan ito ng pulubi.

Karamihan sa mga pasyente at kaanak ay hindi makasilong sa ipinagawang waiting shed sa takot sa mga taong grasa, lalo na sa tuwing bumubuhos ang malakas na ulan.

Umaasa ang mga nagrereklamo na maaksyunan agad ito ni Mayora at Punong Barangay. Ni Anchit Masangcay

AUTHOR PROFILE