Default Thumbnail

‘WAG PO UNCLE, ‘WAG PO!

February 20, 2023 Melnie Ragasa-limena 317 views

NAGULAT ang dalagita. Hindi dahil sa may nakadagan sa kanya. Kundi dahil ang lalaking pinaghahawakan ang kanyang bubot pang katawan at pinaghahalikan ang kanyang mga labi ay ang kanyang tiyo.

Arestado agad ang suspek matapos umanong pagsamantalahan ang dalagitang pamangkin sa loob ng kanilang tahanan sa Novaliches, Quezon City, Sabado ng umaga.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4, bandang 9:00 ng umaga (February 19), nang maganap ang umano’y pangmomolestiya ng suspek sa pamangkin sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Capri, Novaliches, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Veronica Zacarias ng Women and Children’s Protection Desk, natutulog umano ang biktima nang magising na nakapatong na sa kaniya ang tiyuhin.

Nanlaban ang biktima pero pinaghahawakan pa rin ng tiyuhin ang maseselang bahagi ng katawan ng dalagita, habang pinaghahalikan.

Nakakuha naman ng tiyempo ang biktima at itinulak ang tiyuhin saka nagsumbong sa tiyahin dahilan upang ipadakip ang suspek sa mga tanod ng barangay.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa R.A. 8353 (Attempted Rape) na may kaugnayan sa R.A. 7610 (Sexual Abuse) laban sa suspek.