
‘WAG MAGPA-ARESTO!
Mangingisda, sundalo mas mag-ingat sa WPS – Sen Tolentino
PINAG-IINGAT ni Senador Tol Tolentino ang mga mangingisda pati na ang mga sundalong nagbabantay sa teritoryo ng Pilipinas laban sa posibleng dagdag na panggigipit ng China.
Simula June 15, ipatutupad ng China ang isang bagong batas na nagbibigay permiso sa kanilang Coast Guard na manghuli at ikulong ng isang buwan ang sinumang tatapak sa itinuturing nilang teritoryo.
“Ipagdasal natin ang ating mga sundalo at mangingisda laban sa walang tigil na paninikil ng China. Sa Zambales at sa Palawan, at hindi lang yung sa BRP Sierra Madre,” diin ni Senador Tol.
Dagdag pa ng senador, dapat nang patibayin ang naval defense ng bansa para humarap sa mga ganitong panggigipit.