BBM

PBBM sa Kongreso: 17 priority bills ipasa n’yo na

June 13, 2024 Chona Yu 469 views

KINALAMPAG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Kongreso na ipasa na ang 17 priority bills na una nang sinertipikahan ng Legislative Executive Development Advisory Council LEDAC).

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa ceremonial signing ng Negros Island Region Act at Real Property Valuation and Assess Reform Act sa Malakanyang, sinabi niya na naghihintay ang taong bayan na mapagtibay ang mga panukalang batas.

“Our people are eagerly awaiting the passage of the 17 priority bills certified by LEDAC–which we will be discussing very, very soon–which if passed and enacted, will steer our national development and improve the conditions of our fellow countrymen,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Hinihimok ni Pangulong Marcos ang mga mambabatas na makipagtulungan at makipag-ugnayan para maipasa ang mga batas.

Kabilang sa mga prayoridad na panukalang batas ang pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act, Budget Modernization Bill, National Defense Act at iba pa.

AUTHOR PROFILE