Mark

Viral kissing photo nila ni Mark, AI-generated… Planong pagkakaso sa NBI, pinigilan ni Jojo

March 23, 2025 Ian F. Fariñas 223 views

Mark1KALAT man sa social media ang sinasabing controversial “kissing photo” nina Mark Herras at Jojo Mendrez, sinabi ng huli na ’di pa niya ito nakikita although may nagparating na ng balitang ito sa kanya.

Mariin din itong pinabulaanan ng tinaguriang “Revival King” sa launching kamakailan ng una niyang single para sa Star Music, ang original composition ni Jonathan Manalo na “Nandito Lang Ako”.

Paglilinaw ni Jojo, “May nagsabi lang sa akin na merong nagsi-circulate na photo na ganyan. So wala pa ho akong nakikita… Kasi wala naman hong nangyayaring ganu’n, kaya ano, eh, so definitely baka ano, baka ano ‘to, alam n’yo na ngayon, hi-tech kasi ngayon, eh, kaya nagagawan nila ng paraan. Pero kaya kong hindi totoo kasi alam kong wala namang nangyaring ganu’n.”

Kasabay ng paliwanag na ito ang pag-amin niya na may balak ngang mag-file ng kaso sa NBI ang managers niyang sina Vince Apostol at David Cabawatan ng Aqueous Entertainment laban sa isang influencer na sobrang malisyoso ang mga ipinopost tungkol sa kanya.

“May lawyers na silang kausap na magpa-file sila sa NBI ng case for a certain influencer na napaka-malicious ng ginawa kasi du’n nag-ugat lahat ‘yung Okada, eh. Doon, tapos hindi ako tinitigilan.

So ‘yun ang plano nila. Kaya lang sabi ko it will take time, ang daming maaabala, magbabayad ka ng lawyers mo, ‘yung panahon mo. At saka andu’n na ‘yon eh, paano mo makokorek ang isip ng mga tao kung naano na siya, ‘yun ang nasa isip nila? Kaya kahit sabihin mo na maayos n’yo ‘yon or makasuhan mo, eh, wala na rin. Kaya sabi ko, tigilan na lang kasi it’s a waste of time.”

Kung si Jojo ang papipiliin, mas gusto raw niyang mag-focus sa promo ng “Nandito Lang Ako” na released na sa iba’t ibang streaming platform.

Muli nga siyang naging emosyonal sa launching nang surpresahin at matagal na yakapin ng kapwa-‘StarStruck’ discovery ni Mark na si Rainier Castillo.

As we all know, tulad ni Mark ay nali-link din si Rainier kay Jojo dahil sa ilang sightings sa kanila sa mga hotel casino. Kasing ingay nga ng Mark-Jojo ang Rainier-Jojo issue dahil pilit silang nili-link sa isa’t isa ng mga netizen.

Ayon sa mga Marites, para kay Rainier ang kantang “Nandito Lang Ako,” na tungkol sa patience, sacrifice at unconditional love.

“Wala hong ganu’n,” pagkontra ni Jojo. “Tingnan n’yo, ang nasa isip niyo na ’yung ganu’n kasi ayun ‘yung nababasa natin sa social media, napapanood natin. Kaya andu’n na ‘yung judgment na talagang meron na nangyayari. Kumbaga, kahit i-explain ko, wala nang maniniwala. Kung ide-deny ko naman, sasabihin nagsisinungaling. Kaya hindi ko alam kung saan ako lalagay sa ganyang sitwasyon.”

Patuloy niya, “Bale in-introduce siya sa’kin ni Mark… parang nagkayayaan tapos nu’ng nakikilala ko na si Rainier, si Mark naman naging busy. Halimbawa, dapat lalabas kami o may gagawin sa labas na ano, or mag-collab kami, whatever, lagi siyang hindi available.

“At that time, ang available lagi is si Rain –– si Buboy –– siya lagi available… Kaya laging madalas ‘yung pagkikita namin nu’ng tao,” giit niya.

Anyway, marami pang dapat abangan kay Jojo sa recording scene dahil pagkatapos ng original composition na “Nandito Lang Ako,” balik-revival ulit siya para bigyan ng panibagong hagod ang classic OPM songs na “Tamis ng Unang Halik” (ia-arrange ni Louie Ocampo), “Boy” (orihinal ni Timmy Cruz), “Pare Mahal Mo Raw Ako” at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE