Default Thumbnail

Vintage bomb nahukay ng Maynilad sa Malate

October 6, 2022 Jonjon Reyes 443 views

LAKING gulat ng mga construction worker ng Maynilad nang bumulaga sa kanila ang isang “Unexploded Ordnance” (UXO) na 105 mm HE Projectile sa isang hinuhukay para lagyan ng tubo sa Malate, Maynila, Miyerkules ng gabi.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District (MPD) Police Station 9, bandang 9:30 ng gabi nang mahukay ng isang construction worker ang bomba sa northbound ng Taft Avenue sa Malate.

Ayon sa obrero, naglalagay siya ng tubo sa lugar nang mapansin niya ang hindi pa pumuputok na bomba.

Kaagad itong itinawag sa Explosive Ordnance Division (EOD) para sa disposisyon.

Nabatid na matagumpay naman na naialis ang bomba sa lugar na diumano’y bahagi ng mga pinakawalang pampasabog sa Maynila noong World War II.

AUTHOR PROFILE