Vina

Vina may bagong BF, kasama sa US

November 6, 2023 Aster Amoyo 606 views

Vina1Vina2MATAGAL na ring walang lovelife ang singer, actress, entrepreneur who debuted recently sa Broadway in New York City, USA na si Vina Morales but it seems na masaya ang puso ngayon ng ate ni Shaina Magdayao na isa ring successful singer, actress at entrepreneur.

Inspired ngayon si Vina na katatapos pa lamang sa kanyang debut performance in Broadway last October 23, 2023 where she played the role of Aurora Aquino (ang namayapang ina ng yumaong dating senador na si Ninoy Aquino) sa musical Broadway play na “Here Lies Love”. She extended her stay in the US kung saan siya nakapamasyal kasama ang kanyang bagong inspirasyon, ang foreign national na si Andrew Kovalcin na nakilala niya over twenty years ago in Hawaii. Muling nagkita ang dalawa nung isang taon nang bisitahin ni Andrew si Vina sa concert tour nito in Miami, Florida at kasunod na rito ang muli nitong pagbisita sa Pilipinas last year kung saan nakita ang dalawa na magkasama sa isang beach.

Huling nakarelasyon ni Vina ang kanyang French ex-boyfriend na si Marc Lambert in 2017 na tumagal din ng dalawang taon.

Vina was previously in a relationship with Keempee de Leon, Sen. Robin Padilla and Senate President Juan Miguel `Migz’ Zubiri and Mark Lapid.

Sarah at Mommy Divine bati na?

SarahSarah1ISANG mapagkakatiwalaang source ang nagbalita sa amin na okey na umano ang relasyon ngayon ng mag-inang Divine at Sarah Geronimo pero hindi pa rin umano matanggap hanggang ngayon ng ina ng Pop superstar ang mister nito, ang Fil-Italian singer-actor at entrepreneur na si Matteo Guidicelli.

Kung matatandaan pa, nagkaroon ng problema si Sarah sa kanyang ina matapos nitong ma-discover ang isinagawang secret Christian wedding nina Sarah at Matteo nung February 20, 2020 na hindi ipinaalam ng Popstar Royalty sa kanyang pamilya. It’s been over three years since then na hindi okey ang relasyon ni Sarah sa kanyang pamilya laluna sa kanyang inang si Divine.

Si Sarah ang bunso sa apat na magkakapatid. She has two elder sisters and a brother.

Ang panganay na kapatid ni Sarah ay nakatakdang ikasal sa Tokyo, Japan this month kaya inaasahan ang pagdalo si Sarah. Question mark naman kung makakasama ni Sarah ang kanyang mister na si Matteo na busy ngayon sa pagpu-promote ng kanyang Metro Manila Film Festival movie na “Penduko” at action-drama series on GMA, ang “Black Rider”.

Sarah’s family owns a house in Tokyo, Japan.

Samantala, patuloy na umaasa ang mga fans ng mag-asawang Sarah at Matteo na sana’y mabiyayaan na ang dalawa ng baby.

The couple will be celebrating their 4th wedding anniversary on February 20, 2024.

Sabay na birthday tribute para kina Vi at Boyet

VilmaSABAY na binigyan ng birthday tribute ang dalawa lead stars upcoming Metro Manila Film Festival movie entry na “When I Met You in Tokyo” na sina Vilma Santos at Christopher de Leon sa top-rating and longest Sunday musical variety show ng ABS-CBN, ang “ASAP Natin `To” last Sunday, November 5.

November 3 ang 70th birthday ni Vi habang 67th birthday naman ni Boyet nung nakaraang October 31.

Ang tambalan nina Vi at Boyet ang maituturing na longest and most successful tandem in Philippine cinema having starred together in 24 films na halos lahat ay tumabo sa takilya.

Pang-24th movie nina Vi at Boyet ang “When I Met You In Tokyo” na isa sa sampung pelikulang kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival.

During the tribute ng “ASAP Natin `To” sa dalawa, inawit ng main hosts ng programa ang ilang sa mga theme songs ng ilan sa kanilang hit movies tulad ng “Sinasamba Kita,” “Dahil Mahal Kita” at iba pa.

Kahit may mga respective partners sa totoong buhay sina Vi at Boyet at meron na ring mga apo, tanggap pa rin ng mga manonood ang kanilang tambalan sa pelikula na kanilang sinimulan in 1975 sa pamamagitan ng “Tag-ulan sa Tag-araw” na pinamahalaan ng yumaong megman na si Celso Ad. Castillo.

Vi and Boyet are both separated sa kanilang unang partners. Si Vi sa kanyang ex-husband na si Edu Manzano kung kanino siya may isang anak, ang kanyang panganay na si Luis Manzano at si Boyet sa superstar na si Nora Aunor kung kanino naman siya may isang biological son na si Ian de Leon at adopted daughter na si Lotlot de Leon.

Vi is now happily married to former senator and now Rep. Ralph Recto with whom she has a son na si Ryan Christian. Si Boyet naman ay may limang anak sa kanyang second wife, ang actress na si Sandy Andolong na sina Rafael, Miguel, Gabriel, Mariel at Mica.

Samantala, may special guest appearance sa pelikulang “When I Met You In Tokyo” ang mag-asawang Tirso Cruz III and Lyn Ynchausti-Cruz na parehong malapit na kaibigan nina Vi at Boyet.

Ruru gino-groom na susunod kay Dingdong

RuruNAG-PREMIERE na kahapon sa 8 p.m. primetime slot ng GMA ang pinakabagong action-drama series na “Black Rider” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid na ginu-groom ng Kapuso Network as the next Dingdong Dantes.

Binubuo ng powerhouse cast ang “Black Rider” na tinatampukan din nina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, Kylie Padilla, Katrina Halili at Jon Lukas kasama ang mga action stars noon na sina Phillip Salvador, Monsour del Rosario at Raymart Santiago.

Dahil sa mga action scenes na required sa kanyang papel sa bagong primetime series ng GMA, talagang pinaghandaan ni Ruru nang husto ang kanyang mga fight scenes sa pamamagitan ng iba’t ibang training in martial arts at pagpapatakbo ng motor.

Natatutuwa si Ruru dahil isa umanong malaking karangalan para sa kanya ang makatrabaho ang mga hinahangaan niyang action stars na sina Ipe, Monsour at Raymart.

Magsisilbi namang unang TV series ni Matteo sa GMA ang “Black Rider” dahil identified siya sa mga serye noon ng Kapamilya network.

Si Matteo ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva na siya ring home studio ng kanyang misis, ang Pop Superstar na si Sarah Geronimo.

Jomari at Abby ikinasal na sa Las Vegas

JomariIKINASAL na sa Las Vegas, Nevada ang engaged couple na sina Jomari Yllana at Abby Viduya na ginanap sa A While Chapel sa nasabing lugar. Ito’y nangyari nung Linggo, November 5, 2023 na sinaksihan ng panganay na anak ng actor-politician sa kanyang ex-wife na si Aiko Melendez na si Andre Yllana maging ang panganay na anak ni Abby at ilang kaanak.

Ang civil wedding in Las Vegas ay susundan ng kanilang church wedding next year in Naga City, sa Penafrancia Church kung saan ikinasal ang parents ni Jomari.

Jomari and Abby were both in their teens nang maging magkasintahan and they were each other’s first love. Palibhasa’y mga bata pa, ito’y nauwi sa hiwalayan only to reconnect in 2015 via the social media na naging daan ng pagbabalik-Pilipinas ni Abby in 2019 before the pandemic na lalong nagpatibay sa kanilang pagsasama.

Jomari is now serving his last term bilang konsehal ng unang distrito ng Paranaque and reviving his acting career maging ang kanyang pagiging car racer and organizer.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE