Default Thumbnail

Villar suportado ni dela Rosa vs agri smugglers

September 16, 2023 Marlon Purification 167 views

Marlon PurificationNAKAHANAP ng kakampi si Senador Cynthia Villar hinggil sa isinusulong niyang Senate Bill 2432 o ‘Anti-Agricultural Economic Sabotage Act’ na nakasalang sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ngayon.

Ito’y si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na nagsabing ang panukalang nagbibigay ng mas mabigat na parusa sa mga krimeng may kinalaman sa pananabotahe sa eknomya ay suportado niya.

Nitong nagdaang Lunes, Setyembre 11, ay inihain ni Villar sa Senate plenary ang kanyang SBN 2432 na inaasahang magbibigay katuldukan hinggil sa pananamantala ng ilang negosyante sa larangan ng agrikultura.

Sa ilalim ng SBN 2432, itinuturing ang “economic sabotage” kung Ito’y may kinalaman sa ‘artificial shortage,’ walang patumanggang importation sa produktong pang-agrikultura, pagmamanipula sa presyo at supply ng produkto at pag-iwas o pagbawas sa itinakdang presyo na idinidikta ng taripa at custom duties at marami pang iba.

Sinabi ni Villar na ang panukalang ito ay naglalayong palakasin ang Republic Act No. 10845 or the “Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016” na isang malaking kabiguan upang labanan ang pananamantala.

Dismayado si Villar dahil bigo ang Bureau of Customs na pangunahing ahensiya sanang magpapatupad nito at sa halip ay ‘zero number of convictions’ ang natal ng ahensiya sa nakalipas na pitong magkakasunod na taon.

Kaugnay nito, nagsumite ng sarili niyang bersiyon si Dela Rosa na SBN 2413 kung saan sinasaluduhan din ang kasamahang senadora sa paglalatag ng panukalang batas na may komprehensibong sago sa problema ng talamak na agricultural smuggling, hoarding, profiteering at cartel na pumapatay din sa ating mă kababayang magsasaka.

“I must say that this is truly a proactive and prompt response to the alarming number of cases of smuggling in the country. At the same time, and more importantly, this is a decisive action towards the protection of our Filipino farmers,” anang mambabatas mula sa Mindanao

“In order to more fully and effectively implement this, there shall be an Anti-Agricultural Economic Sabotage Council. To assist the Council in the prosecution of crimes, a Special Team of Prosecutors shall be created. At the same time, the bill also proposes to create an Anti-Agricultural Economic Sabotage Enforcement Group to assist the Council in matters relating to enforcement,” sabi pa niya.

Kaugnay nito, panawagan pa ang dating PNP chief sa mga kasamahan sa Mataas at Mbabane Kapulungan na suportahang mapagtibay ang naturang panukalang batas.

“If we take care of our farmers, of their dreams and hopes for the future, then we are also taking care of the dreams and hopes of the rest of the nation. Let us cultivate, rather than destroy, their optimism. If this cultivation means weeding out self-seeking criminals with the passage of this bill, then so be it. When we pass this into law and when it is implemented well, then what we have cultivated shall bear fruit. When that time comes, we shall be happy to reap, along with our farmers, the harvest of what we have sown,” ani Dela Rosa.

Sa ganang akin, magandang pangitain ito at sana’y mapabilis ang pagpapaapruba sa naturang panukalang batas.

At habang nakasalang sa pagdinig ang SBN 2432, mas maganda rin siguro kung magkaroon sila ng malaya, tama at walang kinatatakutang ‘privilege speech’ na tukuyin sa plenaryo ang mga malalaki at maiimpluwensiyang tao na nasa likod ng smuggling sa agrikultura ngayon.