
Victor Wood pumanaw na
PUMANAW na ang tinaguriang Jukebox King on Tin Pan Alley na si Victor Wood kahapon, April 23 sa edad na 75. Ang mapamuksang virus na Covid-19 ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Si Victor ay isinilang at lumaki sa Buhi, Camarines Sur.
Bago siya naging recording artist ng Vicor Music Corporation na pag-aari noon ng magpinsang Vic del Rosario, Jr. at Orly Ilacad ay nakagawa na siya ng ilang pelikula sa bakuran ng Sampaguita Pictures.
Although mas naunang sumikat kay Victor ang namayapa na ring hitmaker ng D’Swan Records bago ito lumipat ng Vicor na si Eddie Peregrina, ang Vicor ang nagbinyag kay Victor bilang Jukebox King at si Florence Aguilar naman ang kauna-unahang binansagan na Jukebox Queen nung early 70’s.
Masasabing isa si Victor sa nagpasikat at nagpayaman ng Vicor noon dahil sa kanyang mga monster hit singles and albums. Kasama sa mga pinasikat niyang awitin ay ang “I’m Sorry My Love,” “Carmelita,” “You Are My Destiny,’ “Cheryl Moana Marie,” “Eternally,” ‘Crying Time,” “A Tear Fell,” “Fraulein,” “Teen-age Senorita,” “Once More Chance,” “Inday ng Buhay Ko,” “Bintana ng Puso,” “Malupit na Pag-ibig” at marami pang iba.
Walang jukebox pati mga parties and clubs noon ang hindi paboritong patugtugin ang mga hit songs ni Victor.
Nakagawa rin ng mga pelikula noon si Victor at the peak of his popularity.
Unti-unting nag-wane ang popularily noon ni Victor nang magkaroon siya ng spat with Boss Vic del Rosario na siyang tumatayong executive vice president noon ng Vicor at si Boss Orly Ilacad naman ang presidente. Dahil dito, he left for the US kung saan siya namirmihan sa loob ng maraming taon. Sa Amerika nakilala ni Victor ang kanyang second wife na si Ofelia Mercado Ponce kung kanino siya may dalawang anak, sina Sydney Victoria at Simon Wood.
Maganda dati ang takbo ng buhay ni Victor sa Amerika where he co-owned four gasoline stations at siya rin ang nagma-manage noon ng Palm Plaza Restaurant in California, USA. He was also into real estate and land scaping. Pero pagkalipas ng ilang taon ay nabalitaan naming hiwalay na ito sa kanyang asawa at nag-desisyong bumalik ng Pilipinas. In 2007 sinubukan niyang pasukin ang larangan ng pulitika nang siya’y tumakbo sa pagka-senador pero sa kasamaang palad ay natalo siya.
Sinubukan ni Victor na magbalik-showbiz pero hindi na nito naibalik ang dating kinang.
Victor was hosting a musical show, “Beautiful Sunday” on Net25 nung ito’y nabubuhay pa.
Paalam, Victor!