Vice Ganda

Vice Ganda dinadaan sa tawa ang insecurity

May 8, 2021 People's Journal 548 views

ACTOR-director John Prats will take on the stage directorial job of singer-comedian-host superstar Vice Ganda’s upcoming first virtual concert titled “GANDEMIC: The VG-tal Concert” on July 17 (Saturday) at 9 p.m. na mapapanood sa KTX, iWant TFC, Skycable at iba pang digital platforms. Ang nasabing virtual concert ay mula sa Viva Live who also produced pop superstar Sarah Geronimo’s most recent hit digital concert. Ito rin bale ang unang concert ni Vice magmula nang magka-pandemic.

Hindi ikinakaila ni Vice na sa tagal na hindi siya nagku-concert ay tila kinalawang umano siya kaya ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na niya ito nang husto sa tulong na rin ng kanyang mga comedian-writer friends kung kanino siya nagku-collaborate ng idea.

Ayon kay Vice, 90% ng kanyang concert ay comedy act habang ang natitirang 10% ay ilalaan niya sa singing with his special guests na sina Anne Curtis, Moira de la Torre, Ice Seguerra at Jake Zyrus.

Since mas kilala si Vice sa pagiging comedian, dito umano siya magpu-focus para mapasaya ang mga tao laluna sa sitwasyon ngayon na nasa gitna ang lahat sa pandemic.

Magmula nang magka-pandemic ay hindi umano siya lumalabas ng bahay except when he reports sa kanyang daily noontime show, ang “It’s Showtime” kung saan ay araw-araw umano silang sumasailalim ng swab test for the safety of everyone na involved sa programa.

Unknown to many, Vice Ganda is a prayerful person. Ito ang madalas niyang ginagawa para mapangalagaan ang kanyang sanity at health pati ng mga taong mahal niya.

“I start and end my day with a prayer,” aniya.

“Life has been very difficult dahil sa pandemic. I avoid toxic stuff pati social media ay binawasan ko na rin. Siguro mga 5% na lang inilalaan ko diyan,” patuloy pa ni Vice.

“I focus on the beautiful things and beautiful people,” patuloy niya.

Tulad ng ibang normal na tao, nakakaranas din si Vice ng kalungkutan, worries, insecurities. fears at anxiety attack pero ang mga ito’y matapang niyang hinaharap and keeps himself surrounded by positive things and people.

“I face my emotions and deal with it,” diin pa niya.

“Sometimes kapag nakakaramdam ako ng lungkot, I would call my (gay) friends at magtatawanan lang kami sa phone. “Gusto ko parati lang masaya,” pahayag pa ni Vice.

Since nasanay na si Vice na walang audience sa “It’s Showtime” magmula nung magsimula ang pandemic, hindi na rin uimano siya maninibagong mag-perform without an audience sa kanyang kauna-unahang digital concert. Pero siyempre, iba pa rin talaga ang impact kapag may live audience dahil immediate ang kanilang reaction.

Tickets are priced at P1,500 and P1,000 at ina-assure ni Vice ang lahat ng mga manonood ng kanyang virtual concert na sila’y magi-enjoy nang husto dahil kakaiba umano ito sa kanyang past live concerts sa Big Dome (Araneta Coliseum).

AUTHOR PROFILE